Sunday, 6 May 2018

Pagsusuri ng Florante at Laura - Himagsik Laban sa Maling Kaugalian
ni: Vince Francis Potot (8- Tuburan)
           
Ang himagsik na ito ay nagtatalakay sa mga maling gawain ng mga tao noon at hanggang ngayon. Maraming kabanata ang nagtatalakay ng isang uri ng maling kaugaliuan sa Florante at Laura at ito ay ang maling pagpapalaki ng magulang sa anak. Sa Kabanata 23 ay naipakita rin ng maling kaugalian, pagkatapos magtalakay si Florante, si Aladin naman ang kasunod na nagkuwento ng kaniyang buhay. Isinalayasay ni Aladin ang pag-agaw ng kaniyang ama na si Sultan Ali-Adab  sa kaniyang minamahal na si Flerida. 
             
Ang himagsik ng kabanata na ito ay “Himagsik Laban sa Maling Kaugalian” sa kadahilanang hindi pagpaparaya ng ama sa nag-iisa niyang anak. Mas pinili pa ni Sultan Ali-Adab na maging masaya kaysa na maging masaya ang buhay ng kaniyang anak na si Aladin. Si Sultan Ali-Adab ay nagsisimbolo sa mga magulang na inuuna ang sarili kaysa sa anak.
             
Ang maling pag-uugali rin sa kabanatang ito ay ang tangkang pagpugot ni Sultan Ali-Adab ng ulo ng sarili at nag-iisa niyang anak. Ito ay nagpapakita ng maling pagtrato ng magulang sa anak.
              
Itinalakay ni Francisco Balagtas ang mga masamang pagpapalaki ng magulang sa mga anak sa Florante at Laura para gisingin ang pag-iisip ng mga mambabasa lalo na ang mga magulang na hindi pinapalaki at tinatrato ng maayos ang mga anak.

Sabi nila matatag daw ang mga Pilipino, kasi kahit ilang bagyo pa ang dumaan nanatili silang matatag. Ngunit may mga katangian pa din ang mga Pilipino na hindi maganda at madalas ito ang nagsasagabal ng kanilang pag - unlad.

Isa sa mga ito ang pagiging Inggitero. Kapag may nakikita ang mga Pilipino na umaasenso, hinihila nila ito pababa imbes na gawing inspirasyon para sumikap at umunlad. 

Isa pang maling kaugalian ng mga Pilipino ay ang walang utang na loob. Nakalimutan na ng mga pilipino na magpasalamat.Hindi na nila binibigyan ng importansya ang mga maliliit na bagay. Ang mga masamang bagay na kanilang nararanasan ay kanila ring ipinaparanas sa kanilang kapwa. 
Si Konde Adolfo ang naglalarawan sa maling kaugalian ng mga Pilipino. Ito ay dahil nainggit siya kay Florante kasi mataas ang mga marka nito sa klase at nakuha ang kanyang minamahal na si Laura.Nagawa niya ring pagtaksilan ang hari at ipapatay ito. Ipinakulong niya si Florante sa puno at hindi niya ito binigyan ng pagkain o tubig at kayang ipapatay ng walang kalaban laban.

Kaya huwag nating tuluran ang mga tao na mapagtaksil sa kapwa at may mga maling kaugalian.